Programa ng CMG, isinahimpapawid sa Tajikistan

2024-07-01 13:26:51  CMG
Share with:

Sa bisperas ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Tajikistan, sinimulan, Hunyo 30, 2024 sa Dushanbe, kabisera ng Tajikistan, ang pagsasahimpapawid ng mga programa ng China Media Group (CMG) sa mga mainstream media ng bansa.

 

Sa pamamagitan ng video link, sinabi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, na matalik na magkaibigan at mabuting magkapitbansa ang Tsina at Tajikistan, at layon ng nasabing aktibidad na pasaganain ang magiging bunga ng nakatakdang pagtatagpo ng mga pangulo ng Tsina at Tajikistan, at patatagin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Kasama ng mga media partner sa Tajikistan, ibayo pang pabubutihin ng CMG ang pagpapalitan at pagtutulungan, para mapalalim ang hene-henerasyong relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at win-win na kooperasyon, ani Shen.

 

Samantala, ipinahayag din ni Ji Shumin, Embahador Tsino sa Tajikistan at mga kinatawan ng national news agency ng bansa ang kanilang pagbati sa aktibidad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio