Sa kanyang liham na pambati, Hunyo 30, 2024, sa pagsasa-operasyon ng Shenzhen-Zhongshan cross-sea passage, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang nasabing imprastuktura ay isa pang napakalaking proyekto ng transportasyon sa Guangdong-HongKong-Macao Greater Bay kasunod ng Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge.
Napagtagumpayan aniya ng proyekto ang mga teknikal na kahirapan at nakalikha ng mga rekord sa buong mundo.
Binigyan-diin ni Xi na sa susunod na hakbang, dapat igarantiya ang ligtas na pangangasiwa sa Shenzhen-Zhongshan cross-sea passage para pasulungin ang integrasyon ng merkado ng Guangdong-HongKong-Macao Greater Bay.
Sinimulang itayo noong Pebrero 2017, ang Shenzhen-Zhongshan cross-sea passage ay may kabuuang haba na 24 na kilometro.
Dahil dito, napababa sa 30 minuto na lamang mula 2 oras ang biyahe sa pagitan ng lunsod Zhongshan at lunsod Shenzhen.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio