(Video) Espesyal na regalo, ipinagkaloob ni Pangulong Xi kay Pangulong Vucic ng Serbia

2024-05-10 04:00:50  CMG
Share with:


Belgrade, Serbia--Nag-usap Mayo 8 , 2024 (lokal na oras) sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Aleksandar Vucic ng naturang bansang Europeo. 


Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, iniregalo ni Xi kay Vucic ang modelo ng Temple of Heaven ng Tsina at modelo ng Simbahang St. Sava ng Serbia. 


Ang mga modelo ay yari sa asero ng HBIS Group Smederevo Steel Plant. Sumisimbolo ang mga ito sa balot-sa-bakal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.


Salin: Jade