Pangulong Xi, nagpadala ng mensahe sa U.S. youth exchange delegation

2024-07-02 16:38:36  CMG
Share with:

Nagpadala Hulyo 2, 2024, ng isang mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa “Shared Journey of Friendship” U.S. Youth Exchange Delegation.

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Xi na para sa relasyong Sino-Amerikano, ang pag-asa ay nasa mga mamamayan ng dalawang bansa, ang pundasyon ay inilatag ng mga mamamayan, ang kinabukasan ay nakasalalay sa mga kabataan, at ang kasiglahan ay nagmumula sa mga pagpapalitan at mga subnasyonal na lebel.

 

Umaasa siya na sa pamamagitan ng pagbisitang ito, ang mga Amerikanong kabataan ay magkakaroon ng mabuting pag-unawa sa Tsina, makakatulong sa pagbuo ng mas maraming tulay ng mutuwal na pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan, at mag-aambag sa pagpapahusay ng pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayang Sino-Amerikano.

 

Ang “Shared Journey of Friendship” U.S. Youth Exchange Delegation ay binubuo ng mga 190 guro at mga estudyante mula sa 14 na paaralan sa 7 estado sa buong Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil