Mas malaking pag-unlad ng estratehiko’t kooperasyong relasyon ng Tsina at Turkiye, kailangang pasulungin

2024-07-05 11:15:53  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Hulyo 4, 2024 sa Astana, Kazakhstan kay Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkiye, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat katigan ng kapuwa panig ang pangangalaga sa nukleong interes ng isa’t isa, walang humpay na patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, pag-ibayuhin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mataas na antas, at pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng estratehiko’t kooperatibong relasyon ng dalawang bansa.

 

Kasama ng panig Turkish, nakahanda aniya ang bansa na palakasin ang koordinasyon sa loob ng mga multilateral na balangkas na gaya ng United Nations (UN) at Group of 20 (G20).

 


Hinangaan naman ni Erdogan ang mahalagang ambag na ginawa ng Tsina para sa pagpapasulong sa kapayapaan ng daigdig.

 

Umaasa aniya siyang palalakasin ang multilateral na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil