CMG Komentaryo: Tsina, nagbigay ng mga mungkahi kaugnay ng paano haharapin ng SCO ang pabagu-bagong sitwasyon

2024-07-05 16:29:08  CMG
Share with:


Ginanap, Hulyo 4, 2024 sa Astana ang Ika-24 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Oraganization (SCO) at pinalawak na pulong ng SCO o SCO Plus.

 

Kapansin-pansin ang isang serye ng mga bunga at komong palagay na narating sa nasabing mga pulong.

 

Sa harap ng ligalig at pabagu-bagong kalagayang pandaigdig, hindi lamang ipinakikita ng SCO ang malaking kasiglahan, kundi pinapatunayan din sa daigdig na may kakayahan itong gampanan ang mas malaking papel ng pangangalaga sa seguridad at kaunlaran ng mundo.

 

Dumalo sa nasabing dalawang pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.


Ipinagdiinan niyang dapat patuloy na palaganapin ang “Diwa ng Shanghai,” igarantiya ang tamang direksyon ng pag-unlad ng SCO, at itatag ang komong tahanan na may pagkakaisa, pagtitiwalaan, kapayapaan, katahimikan, kasaganaan, kaunlaran, pagkakaibigang pangkapitbansa, at katarungan.

 

Sa kasalukuyan, mabilis na nagbabago ang kayariang pandaigdig.

 

Sa isang banda, umuunlad ang sistemang pandaigdig, tungo sa mas makatarungan at multi-polarisadong direksyon, bagay na nagkakaloob ng mas maraming pagkakataon para sa pantay-pantay na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng iba’t ibang bansa.

 

Sa kabilang banda naman, umuusbong ang power politics, at sumisidhi ang komprontasyon at sagupaang heopulitikal, at nagbubunsod din ito ng mas maraming panganib sa katatagan ng rehiyon ng SCO at buong mundo.

 

Paano haharapin ang pabagu-bagong sitwasyon, lilikhain ang bagong kayarian, at itatag ang mas magandang tahanan ng SCO?

 

Iniharap ni Pangulong Xi ang limang mungkahi, kung saan nagbibigay ang Tsina ng plano sa pag-a-upgrade ng SCO sa mga aspektong kinabibilangan ng halaga at ideya, seguridad na pulitikal, ekonomikong pag-unlad, pagpapalitang tao-sa-tao, at pangangasiwang pandaigdig.

 

Pagkatapos ng mga pulong sa Astana, manunungkulan ang Tsina bilang tagapangulong bansa ng SCO.

 

Kasama ng iba’t ibang kasaping organisasyon, nakahanda ang Tsina na palaganapin ang “Diwa ng Shanghai,” at pasulungin ang pagbuo ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil