Signataryong artikulo ni Pangulong Xi ng Tsina, inilabas sa media ng Tajikistan

2024-07-05 17:05:08  CMG
Share with:

Sa panahon ng pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Tajikistan, inilabas Hulyo 5, 2024, ang signataryong artikulong sinulat niya na pinamagatang “Working Together for a Brighter Future of China-Tajikistan Relations” sa media ng Tajikstan.

 

Sinabi sa artikulo na 32 taon na ang nakararaan, itinatag ng Tsina at Tajikistan ang relasyong diplomatiko, na nagbukas ng bagong pahina ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Sa nakalipas na 32 taon, ang relasyon ng dalawang bansa ay nakaranas ng pagsubok ng pabago-bagong kalagayang pandaigdig at palagiang napapanatili ang malusog at matatag na tunguhin ng pag-unlad.

 

Magkasamang itinatag ng dalawang bansa ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Tajikistan at sinimulan ang matagumpay na landas tungo sa pag-unlad ng relasyon ng kapitbansa.

 

Sa kasalukuyan, ang Tsina at Tajikistan ay nasa kritikal na yugto ng pambansang pag-unlad at pagbabagong-buhay.

 

Umaasa si Xi na sa pamamagitan ng pagbisitang ito, tatalakayan, kasama ni Pangulong Emomali Rahmon ang kooperasyon ng dalawang bansa  para itulak ang relasyong Sino-Tajikistan sa bagong antas.

 

Dapat panatilihin ng dalawang panig ang mataas na antas ng pagpapalitan, palawakin ang praktikal na kooperasyon, palalimin ang kooperasyong panseguridad, isulong ang pagpapalitang tao-sa-tao at kultural, palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, at lumikha ng pandaigdigang kapaligiran para sa mapayapang pag-unlad. 

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil