Sa okasyon ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Tajikistan, isasahimpapawid sa mga mainstream media ng Tajikistan ang multilingguwal na serye ng “Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping” na ginawa ng China Media Group (CMG).
Nakapokus ang nasabing palatuntunan sa mga temang kinabibilangan ng komong kasaganaan, proteksyong ekolohikal, at dibersidad ng kultura, at kasama rito ang paglalahad ng mga sinaunang panitikan at klasikong Tsino na sinipi ni Xi sa kanyang mahahalagang talumpati, pati na rin ang artikulo at pananalita, para ipakita ang kanyang katalinuhang pulitikal at malalim na pagkaunawa sa kultura, at pundasyong kultural ng modernisasyong Tsino.
Inilabas sa mga media sa lokalidad ang impormasyon hinggil sa pagsasahimpapawid ng nasabing palatuntunan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil