Sinabi Hulyo 4, 2024, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na dapat tingan ng Tsina at India ang kanilang relasyon mula sa estratehikong pananaw, palakasin ang komunikasyon at resolbahin ang mga pagkakaiba para matiyak na ang bilateral na relasyon ay malusog at matatag na sumulong .
Sinabi ito ni Wang sa kanyang pakikipagtagpo kay Subrahmanyam Jaishankar, Ministro ng Suliraning Panlabas ng India, sa Astana, kabisera ng Kazakhstan.
Hinimok ni Wang ang dalawang panig na magkasamang tutulan ang unilateral na hegemonya at komprontasyon, at pangalagaan ang komong interes ng mga mga umuunlad na bansa, dahil pareho silang Global South na mga bansa.
Sinabi naman ni Jaishankar na umaasa ang India na magsikap, kasama ng Tsina, para buksan ang bagong pahina sa relasyong Sino-Indyano sa lalo madaling panahon at konstruktibong lutasin ang mga partikular na pagkakaiba.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil