Kaugnay ng pagpirma ng Pilipinas at Hapon sa Reciprocal Access Agreement (RAA) na magbibigay-daan sa paglalagay ng tropa ng dalawang bansa sa kani-kanyang teritoryo, ipinahayag ngayong araw, Hulyo 8, 2024 ni Lin Jian, Tagapasalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang bansa ay hindi dapat makakapinsala sa katatagan at kapayapaang panrehiyon at hindi rin dapat nakatuon laban sa kapakanan ng ikatlong panig.
Ani Lin, hindi kailangan ng rehiyong Asya-pasipiko ang grupong militar, bloc confrontation at cold war.
Saad pa niya, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinalakay ng Hapon ang mga bansa saTimog-silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas, at dapat mataimtim nitong pagsisihan ang kasaysayan, kasalanan ng pananalakay, at maging maingat sa mga aksyon at pananalita sa larangang militar at panseguridad.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio