Pasuguang Tsino, mahigpit na nakikipag-ugnayan sa panig Pilipino kaugnay ng kaso ng pangingidnap at pagpatay sa mamamayang Tsino

2024-07-03 14:29:10  CMG
Share with:


Kinumpirma Martes, Hulyo 2, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kaso ng pangingidnap at pagpatay sa isang mamamayang Tsino sa Pilipinas.

 

Aniya, makaraang maganap ang kasong ito, pinanatili ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa panig Pilipino, at hinimok ang panig Pilipino na puspusang imbestigahan ang kasong ito, at isagawa ang mabisang hakbangin upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa Pilipinas.

 

Ipinagkaloob din ng pasuguan ang suporta at tulong para sa mga kapamilya ng mga biktima, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil