Idinaos Hulyo 2, 2024, sa Manila, ng Tsina at Pilipinas ang ika-9 na pulong ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM) sa South China Sea (SCS).
Nagkasundo ang dalawang panig na ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa SCS ay angkop sa interes ng Tsina at Pilipinas, at ito rin ang komong layunin ng mga bansa sa rehiyon. Nagkasundo din ang dalawang panig na ipagpatuloy ang diyalogo at konsultasyon sa pamamagitan ng mekanismo na tulad ng BCM para hawakan ang mga pagkakaiba.
Nagpalitan ang dalawang panig ng tapat at konstruktibong kuru-kuro hinggil sa sitwasyon sa SCS, lalo na ang pagkontrol ng sitwasyon ng Ren’ai Jiao.
Muling kinumpirma ng Tsina ang soberanya nito sa Nansha Qundao at mga karatig na katubigan na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao, gayundin ang karapatan sa soberanya at hurisdiksyon sa mga naiuugnay na katubigan.
Hinimok ng Tsina ang Pilipinas na agarang itigil ang probokatibong aksyon sa dagat, sumunod sa mga probisyon ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), bumalik sa tamang landas ng paglutas ng mga pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon, at makipagtulugan sa Tsina sa paghawak ng sitwasyon sa Ren’ai Jiao para mapahupa ang sitwasyon at mapabuti ang bilateral na relasyon.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig sa pagpapabuti ng mekanismo ng komunikasyon na may kinalaman sa dagat, pagtataguyod ng diyalogo sa pagitan ng pulisyang pandagat ng dalawang bansa, at pagpapasulong ng kooperasyon sa marine science at technology, gayundin sa pangangalaga sa kapaligiran.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil