Op-ed: “Ayokong maging battlefield ang bansa ko”

2024-07-03 16:29:18  CMG
Share with:

"Bilang isang Pilipino, bilang isang Asyano, hindi ko nais na ang aking bansa ay maging battlefield.” Ito ang winika ni Raul Lambino, Chairman of the Association for Promoting Philippines-China Understanding, tungkol sa kasalukuyang situwasyon sa South China Sea (SCS) at relasyong Pilipino-Sino sa pook na pinangyarihan ng Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan sa Beijing. Pagkasabi ni Lambino ay nabulunan at napaluha pa siya.

 

Sa tinginin ni Lambino, tumaas ngayon sa 9 ang bilang ng mga baseng militar ng Amerika sa Pilipinas, at isang malaking problema ito para sa Pilipinas.

 

Ang mga salita ni Lambino ay puno ng malalim na damdamin sa bansa at mga mamamayan, pati na rin ang pagnanais para sa kapayapaan at katahimikan. Nakakaantig ang tunay niyang nararamdaman sa sandaling ito.


Palaging isang masakit na paksa ang digmaan na minsa’y nagdulot ng napakalaking kasakitan sa mga mamamayang Tsino. Para sa anumang bansa at mga mamamayan, ang kapayapaan ay palaging pinakamahalagang kayamanan.


Ang sinakal na boses ni Lambino ay kumakatawan sa tunay na hangarin sa puso ng mga Pilipino at Tsino — kapayapaan at katahimikan.


Sa iniwan niyang komento sa social media platform, sinabi ni Bernadette Bastian, Pilipinong netizen, na “yan ang tunay na nagmamahal sa bayan, ayaw nyang mapahamak ang tao at bayan.” “I don’t want my Nation to become a battlefield,” inilabas ni FrAnz NiaFfur, netizen ng Pilipinas, ang parehong opinion ni Lambino.


Ang Tsina ay isang bansang mapagmahal sa kapayapaan, at palagian nitong pinauunlad ang mapagkaibigang relasyon sa iba’t-ibang bansa sa pundasyon ng Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan, palagiang iginigiit ang paglutas sa kaukulang hidwaan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian. Sapul nang maitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, hindi ito kailanman kinusa at pinukaw ang anumang digmaan o sagupaan, hindi kailanman sinakop ang isang pulgada ng lupain ng ibang mga bansa, at hindi kailanman nang-aapi sa iba gamit ang kapangyarihan nito.


Tulad ng mga mamamayang Tsino, mahal din ng mga Pilipino ang kapayapaan sa puso ng nakakaraming Pilipino, nananatiling pinakamahalaga ang kapayapaan at pagkakaibigan. Inihayag ng Pilipinong netizen na si Marlon Santos na “as being a Filipino, we don’t want war, we only want peace or love, let spread love not hate to each other nation.”


Kung babalik-tanawin ang kasaysayan, ang Tsina at Pilipinas ay nagkaroon ng pagkakaibigan at pagtutulungan sa mahigit isang libong taon. Parang magkapatid ang kapuwa bansa at hindi kailanman nakipagdigma sa isa't isa.


Ngunit nitong ilang panahong nakalipas, ang relasyong Sino-Pilipino ay mabilis at grabeng lumala, at nagiging mas maigting ang sitwasyon sa SCS.


Sa likod nito, ang polisya ng kasalukuyang administrasyong Pilipino sa SCS at ang panunulsol at pagpukaw ng mga bansa sa labas ng rehiyon na pinamumunuan ng Amerika ang mga pangunahing dahilan.


Sa pagbabalik-tanaw naman sa kasaysayan ng Amerika, nakikitang hanggang sa ngayon, ang Amerika ay ang pinakamalaking warmonger sa mundo. Nakikinabang ito sa digmaan. Hindi mabilang na mga kaalyado o ahedres ang inabandona ng Amerika.


Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni dating Punong Ministro Mahathir Mohamad ng Malaysia na ang Amerika ay hindi isang bansa sa South China Sea, ngunit tila gusto nitong mang-udyok ng komprontasyon sa pagitan ng mga bansa at maging gabay sa kanila patungo sa digmaan, tulad ng nangyari sa pagitan ng Ukraine at Rusya.


Dahil sa sandaling sumiklab ang digmaan, maaaring magbenta ang Amerika ng napakaraming sandata sa ibang mga bansa, saad niya.


Kaugnay nito, nag-iwan ng komento sa social media platform ang isang Pilipino na may pangalang Apple sa network na “US always ask the country to confront those who don’t agree with them, when war evolved, the country will become a battlefield as the war is not in US, look at Ukraine.”


“Ang Amerika ay hindi kailanman naging kaibigan ng mga Ukrainians, at hindi kailanman naging kaibigan ng mga Pilipino. Kami (ang Amerika) ay gumagamit sa iyo, ikaw ay isang kasangkapan lamang. Walang iba kundi isang kasangkapan. At kapag ang kasangkapang ito ay hindi na nagagamit, iiwan ka namin. Kadalasan, ang pag-abandona sa iyo ay nangangahulugang darating ang isang digmaan na magwawasak sa iyo.”


Ito ang sinabi ni William Scott Ritter Jr., dating punong tagapagsiyasat ng mga sandata ng United Nations (UN) sa Iraq at dating intelligence officer ng U.S. Marine Corps, sa isang press conference sa Schiller Institute, isang German think tank, bilang tugon sa isang tanong ng mamamahayag na Pilipino tungkol sa isyu ng SCS.


Isipin na lang, isang araw sa hinaharap, kung magkakaroon ng sandatahang sagupaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, o maging ng digmaan, makukuha ng Amerika ang gusto nito, na paninirang-puri ang imahe ng Tsina sa komunidad ng daigdig, pahinain ang Tsina, at panatilihin ang hegemonya nito sa buong mundo; makukuha naman ng ilang politikong Pilipino ang pribadong kapakanan sa pulitika at ari-arian, at ilipat ang mga problema sa loob ng bansa.


Pero, ano ang makukuha ng mga mamamayang Pilipino at Tsino?


"Hindi madaling lumuha ang isang lalaki dahil hindi pa siya umabot sa punto ng kalungkutan." Sa pag-iisip nito, naiintindihan ko ang may sakal na boses at malalim na pag-aalala ni Lambino.


May-akda / Salin: Lito

Pulido: Ramil