Tunay na intensyon sa likod ng "Volt Typhoon," misinformation campaign ng Amerika – ulat

2024-07-08 15:59:19  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling resulta ng isang imbestigasyon ng Tsina, ang umano’y "Volt Typhoon" cyber threat narrative ay isang kampanya ng pekeng impormasyon at manipulasyon sa opinyong publiko na inilunsad ng Amerika.

 

Ipinakikita ng resulta ng imbestigasyon na niluto at pinalaki ng mga ahensya ng intelihensya ng Amerika ang umano’y “cyber threat mula sa Tsina,” at layon nitong pasulungin ang awtorisasyon ng Section 702 ng Foreign Intelligence Surveillance Act ng Amerika, na magpapahintulot sa walang awtorisasyong pagmamanman, at magbibigay-daan sa mas maraming budget mula sa kongreso ng Amerika.

 


Kasama ng mga kaalyansa nitong “Five Eyes,” matatandaang inihayag noong Mayo 2023 ng Amerika, na inilunsad di-umano ng isang hacker na tinatawag nilang “Volt Typhoon” ang mga espionage activity na nakatuon sa mga masusing imprastruktura ng Amerika, at ang organisasyong ito ay suportado ng pamahalaan ng Tsina.

 

Bilang tugon, inilunsad ng National Computer Virus Emergency Response Center at ibang grupong teknikal ng Tsina ang isang traceability analysis, at inilabas ang isang ulat ng imbestigasyon noong April.

 

Ayon dito, ang "Volt Typhoon" ay pekeng impormasyong ginawa ng mga ahensya ng intelihensya ng Amerika, at kasangkot dito ang mga pulitikong Amerikano kontra Tsina at mga cybersecurity authority ng mga bansa ng “Five Eyes.”

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio