Ang National Computer Virus Emergency Response Center, the National Engineering Laboratory of Computer Virus Prevention and Control Technology and 360 Digital Security Group ay magkakasanib na naglabas ng isang espesyal na ulat noong Abril 15, na naglalantad sa operasyon ng "Volt Typhoon" ng ilang ahensya ng Amerika.
Nilalayon ng operasyon na palakasin ang cyber surveillance sa loob at labas ng mga ahensiya ng Amerika sa pamamagitan ng tinatawag na “Chinese cyber attack threat” at pagpapalawig ng Section 702 of the U.S. Foreign Intelligence Surveillance Act (Section 702).
Ayon sa isinagawang online sarbey ng China Global Television Network (CGTN), naniniwala ang 91.7% respondente na ang patuloy na iligal na pagsusubaybay at cyber attacks ng pamahalaang Amerikano ay makakapinsala lamang sa pandaigdigang reputasyon nito at mawawalan ng kredibilidad sa mundo.
Ipinalalagay ng 94.4% respondente na ang aksyon ng Amerika ay “purely espionage”; naniniwala ang 92.1% respondente na ang kilos ng pamahalaang Amerikano ay malubhang paglabag sa soberanya at pambansang seguridad ng ibang mga bansa.
Ang sarbey na ito ay isinagawa ng CGTN sa mga plataporma ng wikang Ingles, Pranses, Espanyol, Arabe at Ruso, na nilalahukan ng 86,000 respondente ng buong mundo.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil