Sa kanyang pakikipag-usap, Hulyo 8, 2024 sa Beijing kay Ministrong Panlabas Maksim Ryzhenkov ng Belarus, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na sa ilalim ng estratehikong pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alexander Lukashenko ng Belarus, nananatiling malakas ang tunguhin ng pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Kasama ng panig Belarusian, nakahanda aniya ang Tsina na ipatupad ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin ang walang humpay na pagiging malalim at pragmatiko ng all-weather comprehensive strategic partnership ng Tsina at Belarus.
Nakahanda rin aniya ang Tsina na gawing pagkakataon ang panunungkulan bilang tagapangulong bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), palaganapin, kasama ng iba’t ibang panig, ang “Diwa ng Shanghai,” palakasin ang koordinasyon at kooperasyon, at itatag ang mas malakas at praktikal na SCO.
Lubos na hinangaan naman ni Ryzhenkov ang isang serye ng mga inisiyatibang pandaigdig na iniharap ni Pangulong Xi Jinping.
Aniya, patuloy at malalimang sasali ang Belarus sa mga inisiyatibang ito, igigiit ang pagpapatupad ng multilateralismo, at magkasamang haharapin ang mga hamong pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Ramil