Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Hulyo 4, 2024 sa Astana, Kazakhstan, kay Pangulong Alexander Lukashenko ng Belarus, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pagpasok ng taong ito, mahigpit ang pag-uugnayan at pagpapalitan ng dalawang bansa sa iba’t ibang antas, at mabisang natupad ang mga komong palagay nila ni Lukashenko.
Nananalig aniya siyang sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng magkabilang panig, tuluy-tuloy at malusog na aabante ang relasyon ng dalawang bansa.
Pinasalamatan naman ni Lukashenko ang pagsuporta ng Tsina sa pormal na pagsapi ng Belarus sa Shanghai Cooperation Organization (SCO). Inaasahan niyang pag-iibayuhin ang multilateral na koordinasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Ramil