Pahayag ng CCG tungkol sa paglikas ng isang maysakit mula sa ilegal na nakasadsad na bapor pandigma ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao

2024-07-10 11:08:21  CMG
Share with:

Inihayag ni Tagapagsalita Gan Yu ng China Coast Guard (CCG) na noong Hulyo 7, ayon sa kaukulang kahilingan ng Pilipinas, pinahintulutan ng panig Tsino ang paglikas ng isang maysakit mula sa ilegal na nakasadsad na bapor pandigma ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao, batay sa makataong kilos.


Sinabi niya na alinsunod sa batas, sinubaybayan at minonitor ng CCG ang buong proseso ng kilos ng panig Pilipino.


Ngunit binabalewala aniya ng kaukulang panig ng Pilipinas ang katotohanan, masamang pinupukaw ang pangyayaring ito, at sinasadyang pilipitin ang kognisyon sa daigdig.


Alinsunod sa batas, sustenableng isasagawa ng CCG ang aksyon ng pangangalaga sa karapatan at pagpapatupad ng batas sa katubigan sa ilalim ng hurisdiksyon ng Tsina, at buong tatag na pangangalagaan ang soberanya ng teritoryo at karapatan, at kapakanang pandagat ng bansa, diin pa ni Gan.


Salin: Lito

Pulido: Ramil