CMG Komentaryo: Hegemonya ng Amerika, tiyak na mabibigo

2024-07-10 17:07:36  CMG
Share with:

Binuksan Hulyo 9, 2024 (lokal na oras), sa Washington D.C., ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) Summit.

 

Bago ang summit, sinabi ni Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng NATO na “kailangan nating makipagtulungan ng mabuti sa ating mga partner sa rehiyong Indo-Pasipiko” para harapin ang Tsina at iba pang mga bansa.

 

Napansin ng media na sa ilalim ng pamumuno ng Amerika, pinapalaki ng NATO summit sa mga nakaraang taon ang “banta ng Tsina,” at ginagamit ang Tsina bilang dahilan para makamit ang kanilang intensyon na manghimasok sa mga suliranin ng rehiyong Asya-Pasipiko at panatilihin ang hegemonya ng Amerika.

 

Ngunit sa katunayan, imposible ito para sa NATO na bumuo ng isang di-umano’y bagong balangkas ng seguridad sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Una, hindi ito tinatanggap ng karamihan sa mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko. Ikalawa, sa loob ng NATO, marami ring miyembro ang kontra sa “Asia-Pacificization of NATO.”

 

Dagdag nito, bagama’t pinapalala ng NATO ang “banta ng Tsina,” karamihan sa mga miyembro nito ay pinapanatili pa rin ang matatag na relasyon sa Tsina, at karamihan sa mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko ay kinikilala pa rin ang Tsina bilang ankla ng rehiyon at maging ng pandaigdigang katatagan at kaunlaran.

 

Ang di-umano’y estratehiyang “Asia-Pacificization of NATO” ay isang plano ng pamumukaw ng panghihiwalay, tunggalian at maging ng digmaan, at nagsisilbing hegemonya ng Amerika. Salungat sa takbo ng kasaysayan kaya tiyak na mabibigo ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil