Ang Tsina at Kazakhstan ay may “permanenteng komprehensibong estratehikong partnership.”
Sa ngayon, ang dalawang bansa ay nasa masusing yugto ng pag-unlad.
Kaya naman ang napapanahong tanong ay “paano mapapataas ang relasyon ng dalawang bansa?”
Ang sagot ay matatagpuan sa pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Kazakhstan mula noong Hulyo 2 hanggang Hulyo 4, 2024.
Idinaos ng dalawang lider ang mabungang pag-uusap, nilagdaan ang magkasanib na pahayag kung saan nakalahad na gagawing pokus ang head-of-state diplomacy, at pinasulong ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kazakhstan na may hene-henerasyong pagkakaibigan, pagtitiwalaan at kasaganaan.
Maliban diyan, nilagdaan din ng dalawang panig ang ilang dokumento ng bilateral na kooperasyong magdudulot ng bagong puwersang tagapagsulong sa dekalidad na pag-unlad ng relasyong Sino-Kazakh.
Ang pagtitiwalaang pulitikal ay pundasyon ng relasyon ng Tsina at Kazakhstan, at pinakamalaking garantiyang pulitikal sa kooperasyon ng dalawang bansa.
Samantala, malakas ding pinapa-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ang relasyon ng dalawang panig.
Sa pamamagitan ng pagbisita ni Xi, sumang-ayon ang dalawang panig na walang humpay na palalimin ang kooperasyon sa mga tradisyonal na larangang kinabibilangan ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, konektibidad, enerhiya at iba pa.
Magkasama ring itatayo ang bagong punto ng paglaki sa larangan ng pagmimina, inobasyong pansiyensya, kalawakan, didyital na ekonomiya, at isusulong ang pagkaka-unawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Binigyan-diin ng mga lider ang pagpapalakas ng kooperasyon sa loob ng framework ng multilateral na organisasyon para mas mabuting mapangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig at tunay na multilateralismo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio
CMG Komentaryo: Makabagong pagkakataon ng Tsina, mainitang tinalakay sa Summer Davos Forum
CMG Komentaryo: Pilipinas, nagiging radikal sa isyu ng South China Sea
CMG Komentaryo: Dapat panatilihin ng Tsina at Australia ang magandang relasyon
CMG Komentaryo: Pamilihang Tsino, nananatiling magandang pagpipilian para sa mga dayuhang kompanya