CMG Komentaryo: Makabagong pagkakataon ng Tsina, mainitang tinalakay sa Summer Davos Forum

2024-06-27 15:34:36  CMG
Share with:


Mula Hunyo 25 hanggang 27, 2024, ginaganap sa Dalian, lalawigang Liaoning, gawing hilagang-silangan ng Tsina ang Summer Davos Forum.

 

Kasali rito ang mahigit 1,700 personahe ng sirkulong pulitikal, komersyal at akademiko mula sa mahigit 100 bansa at rehiyon.

 

Ipinalalagay ng maraming kalahok na nananatiling malakas ang lakas-panulak ng pagbuti ng kabuhayang Tsino, bagay na nakakahikayat ng tuluy-tuloy na pagpapalawak ng mga kompanya ng iba’t-ibang bansa upang mamuhunan sa merkadong Tsino.

 

Bilang mahalagang makina ng paglago ng kabuhayang pandaigdig, mahalagang papel ang ginagampanan ng mga bagong sibol na ekonomiyang gaya ng Tsina sa kayariang ekonomiko ng daigdig.

 

Kaugnay ng tanong na paano mapananaigan ang mga kahirapan, sasamantalahin ang mga pagkakataon, at lilikahain ang bagong espasyo para sa pag-unlad ng kabuhayan sa hinaharap, isinumite ng panig Tsino ang apat na mungkahi: pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan ng agham at teknolohiya; pagpapatibay ng pundasyon ng berdeng pag-unlad; pangangalaga sa bukas na kapaligiran ng merkado; at pagpapasulong sa inklusibo’t benepisyal sa lahat na pag-unlad.

 

Isang masusing salita ang paulit-ulit na binanggit ng mga kalahok sa porum – inobasyon.

 

Napagtanto ng maraming tao na ang mga breakthrough sa teknolohiya na gaya ng artipisyal na intelehensya (AI), biotechnology at berdeng enerhiya ay magbubunga ng makabagong pormang pang-negosyo.

 

Kabilang dito, sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagpapaunlad ng makabagong kalidad na puwersang produktibo, sinasamantala ng Tsina ang pagkakataon ng pandaigdigang reporma sa agham at teknolohiya at berdeng pag-unlad.

 

Kasabay ng walang humpay na pagsulong ng modernisasyong Tsino, mapagbabahaginan ng mas maraming tao ang makabagong pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio