Ika-10 Nishan Forum on World Civilizations, binuksan

2024-07-11 15:53:34  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Tradisyonal na Kultura at Modernong Sibilisasyon,”  binuksan, Hulyo 10, 2024, sa Qufu, lugar-kapanganakan ni Kompyusiyus, lalawigang Shandong, dakong silangan ng Tsina ang dalawang-araw na Ika-10 Nishan Forum on World Civilizations.

 

Layon nitong ipagkaloob ang kalutasan sa mga pandaigdigang hamon at pasulungin ang progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan.

Ang porum ay may 6 na subtemang kinabibilangan ng Pagpapalitang Pansibilisasyon at Mutuwal na Pag-a-aral sa harap ng Pandaigdigang Hamon, at iba pa.

 

Ang Nishan Forum on World Civilizations ay nakapokus sa diyalogo sa pagitan ng sibilisasyon ng daigdig at nagbibigay-ambag para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Pinagsasama sa porum ang mga akademiko at internasyonal at bukas na diyalogo bilang plataporma para sa internasyonal na kultura at pagpapalitan ng kaisipan.

 

Kalahok dito ang nasa 400 internasyonal na panauhin mula sa 63 bansa at rehiyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio