Pangulo ng Tsina at Guinea-Bissau, nag-usap

2024-07-11 14:46:50  CMG
Share with:

Nag-usap, Hulyo 11, 2024 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Umaro Cissoko Embalo ng Guinea-Bissau.


Sumang-ayon ang dalawang lider sa pagpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa antas ng estratehikong partnership.


Hinggil dito, sinabi ni Xi, na kasama ng Guinea-Bissau, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang mapagkaibigang pagpapalagayan sa iba’t-ibang antas, at palawakin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng agrikultura, pagmimina, imprastruktura, at edukasyon.


Winewelkam din aniya ng Tsina ang pagpasok ng mas maraming produkto ng Guinea-Bissau sa pamilihang Tsino at ine-enkorahe ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa nasabing bansa.


Ipinahayag naman ni Embalo, na ang Tsina ay priyoridad ng diplomasya at pinakamahalagang partner ng kooperasyon ng Guinea-Bissau.


Umaasa aniya siyang mapapabuti ng Guinea-Bissau at Tsina ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura at enerhiya.


Matapos ang pag-uusap, sinaksihan nila ang paglagda sa mga dukomento ng kooperasyon ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio