Mga FM ng Tsina at Netherlands, nagusap sa telepono

2024-07-12 15:59:38  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono Hulyo 11, 2024, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at bagong Ministrong Panlabas Caspar Veldkamp ng Netherlands.

 

Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na itatag ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa bagong pamahalaan ng Netherlands, isagawa ang komprehensibong diyalogo, at pabutihin ang pagkakaunawaan sa isa’t isa.

 

Aniya, palagiang sinusuportahan ng Netherlands ang malayang kalakalan, at nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagtulungan sa Netherlands para magkasamang mapangalagaan ang katatagan ng industrial chain at supply chain ng buong mundo.

 

Sinabi ni Wang na ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) summit sa Washington kamakailan ay nagsagawa ng walang batayang akusasyon laban sa Tsina at hindi ito katanggap-tangap.

 

Saad pa niya na hindi dapat makialam ang NATO sa mga usaping Asya-Pasipiko, suliraning panloob ng Tsina, at hamunin ang lehitimong karapatan at interes ng Tsina.  

 

Nakahanda ang Tsina na panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa NATO batay sa pagkakapantay-pantay at magsagawa ng mga pakikipagpalitan sa NATO batay sa paggalang sa isa’t isa, dagdag pa ni Wang.

 

Sinabi naman ni Caspar Veldkamp na sa harap ng magulong kalagayang pandaigdig, hindi sang-ayon ang Netherlands sa “decoupling” ng Tsina at nakahandang makipagtulungan para panatilihin ang komunikasyon sa Tsina at bumuo ng pragmatikong relasyong Sino-Netherlands.

 

Aniya, ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Tsina at Unyong Europeo (EU) ay hindi dapat hadlangan ang kooperasyon ng dalawang panig.

 

Sinusuportahan ng Netherlands ang pag-unlad ng konstruktibong relasyong EU-Sino, dagdag pa ni Veldkamp.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil