Kaugnay ng pagbebenta ng Amerika ng sandata sa rehiyong Taiwan kamakailan, ipinahayag Hulyo 15, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na alinsunod sa batas, isinasagawa ng Tsina ang mga hakbangin laban sa mga pangunahing kontratista at senior executive ng pagbebenta ng sandata ng Amerika sa rehiyong Taiwan, pati na rin ang mga pang-industriyang negosyong militar na lumahok sa “Taiwan-US Defense Business Forum sa Taiwan” sa mga nakaraang taon.
Sinabi ni Lin na ang pagbebenta ng Amerika ng sandata sa rehiyong Taiwan ay malubhang lumabag sa prinsipyong isang-Tsina at Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, seryosong nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at seryosong sumisira sa soberanya at integridad ng teritoryo ng Tsina.
Binigyan-diin ni Lin na ang isyu ng Taiwan ay ubod ng mga pangunahing interes ng Tsina at unang pulang linyang hindi dapat panghimasukan sa relasyong Sino-Amerikano.
Anumang bansa, organisasyon o indibiduwal ang hindi dapat maliitin ang matatag na determinasyon, matatag na kalooban at malakas na kakayahan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol ng soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa, diin pa niya.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil