Mga pamatnubay sa mahigpit na pagpaparusa sa mga krimen ng separatistang “pagsasarili ng Taiwan”, isinapubliko

2024-06-21 16:41:22  CMG
Share with:

Magkakasanib na isinapubliko ngayong araw, Hunyo 21, 2024 ng Supreme People's Court, Supreme People's Procuratorate, Ministri ng Seguridad na Pampubliko, Ministri ng Seguridad na Pang-estado at Ministri ng Hudikatura ng Tsina ang mga pamatnubay sa mahigpit na pagpaparusa sa mga krimen ng separatistang “pagsasarili ng Taiwan” at pang-uudyok sa paghihiwalay ng bansa.


Ang nabanggit na pamatnubay ay binalangkas batay sa mga tadhana ng Anti-Secession Law, Criminal Law at Criminal Procedure Law ng Tsina, at ipinapaliwanag nito ang mga akusasyon ng “pagsasarili ng Taiwan” at istandard na paglilitis at paghahatol sa naturang mga krimen.


Ayon sa nabanggit na pamatnubay, dapat patingkarin ng mga hukuman, prokuratora, mga departamento ng pampublikong seguridad, seguridad na pang-estado at hudikatura ang sariling tungkulin at papel para mahigpit na parusahan ang mga krimen ng mga separatistang “pagsasarili ng Taiwan” at determinadong ipagtanggol ang pambansang soberanya, reunipikasyon at kabuuan ng teritoryo.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil