Ipinahayag kahapon, Hunyo 20, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na matinding kinokondena at matatag na tinututulan ng panig Tsino ang muling pagbebenta ng Amerika ng sandata sa rehiyong Taiwan ng Tsina.
Ayon sa pahayag ng Defense Security Cooperation Agency ng Kagawaran ng Tanggulan ng Amerika, pinagtibay ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pagbebenta ng dalawang “Switchblade” at “Altius-600” drones, may kinalamang kagamitan at serbisyo ng pagsasanay sa Taiwan na nagkakahalaga ng $360 milyong Dolyares.
Kaugnay nito, sinabi ni Lin na ang pagbebenta ng Amerika ng sandata sa Taiwan ay nagpapakita na pinakamalaking banta sa katatagan at kapayapaan ng Taiwan Strait ay ang mga aksyon ng puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” at pagsuporta ng mga dayuhang puwersa na gaya ng Amerika.
Idiniin niya, na hinihimok ng panig Tsino ang Amerika na tanggalin ang maling kapasiyahan sa pagbebenta ng sandata sa Taiwan, itigil ang pagsuporta sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” at ihinto ang pagsira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
Gagamitin ng panig Tsino ang mga katugong hakbangin para pangalagaan ang pambansang soberanya, teritoryo at seguridad, dagdag pa ni Lin.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil