Ayon sa datos ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, Hulyo 16, 2024, higit 25 milyong deadweight tonnes (DWT) na proyekto ng paggawa ng barko ang natapos mula Enero hanggang Hunyo 2024, at ito ay lumaki ng 18.4% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Dagdag pa nito, umabot sa 54.22 milyong DWT ang mga makabagong order, na tumaas ng 43.9% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Hanggang katapusan ng Hunyo, 171.55 milyong DWT ang naitala, at ito ay lumaki ng 38.6% kumpara sa gayun ding panahon ng 2023, anang ministri.
Anito pa, ayon sa DWT, umabot sa 55%, 74.7% at 58.9% ang pandaigdigang kabuuan ng proporsyon ng shipbuilding completions, new orders, at order book ng Tsina sa unang hati ng 2024, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Vera
Pulido: Rhio