Inilabas ng isang pahayag na iuurong ng Amerika ang medium range ballistic missile system nito sa Pilipinas.
Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw, Hulyo 5, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na kaugnay ng pagdedeploy ng Amerika ng missile system sa Pilipinas, paulit-ulit na ipinaliwanag ng panig Tsino ang solemnang paninindigan dito.
Ito aniya ay seryosong banta sa seguridad ng mga bansa sa rehiyong ito, nakakapinsala sa katatagan at kapayapaang panrehiyon at lumalabag sa komong hangarin ng mga mamamayan ng rehiyon para sa kapayapaan at kaunlaran.
Hinimok ni Mao ang mga may kinaukulang bansa na pahalagahan ang hangarin sa kapayapaan ng mga bansa sa rehiyong ito at agarang iwasto ang kamalian nito.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil