Ayon sa ulat na inilabas ngayong araw, Hulyo 17, 2024 ng Asian Development Bank (ADB), itinaas sa 5.0% ang inaasahang target ng paglaki ng kabuhayan ng mga umuunlad na ekomoniya ng Asya-Pasipiko ngayong taon, mula 4.9%.
Anang ulat, dahil sa pagtaas ng pangangailangang panloob at bolyum ng pagluluwas, naging mas mabilis ang paglaki ng kabuhayan ng mga umuunlad na ekomoniya ng Asya-Pasipiko noong unang kuwarter ng taong 2024.
Anito pa, patuloy na makakaapekto ang interest rate ng mga maunlad na ekonomiyang gaya ng Amerika sa prospek ng kabuhayan ng rehiyon.
Makakaapekto rin anito sa rehiyon ang iba pang mga elementong gaya ng resulta ng halalang pampanguluhan ng Amerika, malubhang tensyon sa heo-pulitika at paghihiwalay ng kalakalan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
4.8%, paglaki ng kabuhayan ng mga umuunlad na ekonomiya sa Asya sa 2023 at 2024 - tinaya ng ADB
Tsina, nangungunang destinasyon ng pandaigdigang FDI sa Asya – ADB
5.2%, pagtaya ng ADB sa paglaki ng GDP ng mga umuunlad na ekonomiya ng Asya sa 2022
$USD100 bilyon, karagdagang pondo ng ADB para sa pagbabago ng klima