Tsina, nangungunang destinasyon ng pandaigdigang FDI sa Asya – ADB

2023-02-08 16:25:40  CMG
Share with:


Ayon sa Asian Economic Integration Report 2023 na inilabas, Martes, Pebrero 7, 2023 ng Asian Development Bank (ADB), patuloy na bumabalik sa lebel bago mag-pandemiya ang daloy ng pandaigdigang foreign direct investment (FDI) sa rehiyong Asya-Pasipiko, at ang Tsina ay nananatiling nangungunang destinasyon sa Asya.

 

Tinukoy nito, na noong 2021, lumawak ng 64.3% ang FDI sa Asya-Pasipiko, at ito’y halos 7% mas mataas kaysa noong 2019.

 

Samantala, tumaas din anito ng 15.2% ang pamumuhunang panlabas mula sa Asya noong 2021.

 

Ang mga pamumuhunan sa mga bagong malalaking kasunduang panrehiyon na gaya ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay posibleng makapagkomplimento sa pagsusulong ng pamumuhunan, dagdag ng ulat.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio