Unang batch ng pangkagipitang makataong tulong, ibinigay ng Tsina sa Afghanistan

2024-07-18 18:14:54  CMG
Share with:

Isang seremonya ang idinaos, Hulyo 16, 2024 sa Kabul, kabisera ng Afghanistan para sa paglilipat ng unang batch ng pangkagipitang makataong tulong mula sa Tsina.


Sinabi ni Hajj Mirwais Haqqani, umaaktong Ministro sa Usapin ng mga Refugee ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan, na ang naturang mga materyales na inibigay ng Tsina ay may malaking kahalagahan sa pag-aasikaso sa mga refugee ng bansa.


Ipinapangako ng Afghanistan na mabuting gagamitin ang mga materyales at ipapamahagi ang mga ito sa mga taong pinakanangangailangan, aniya.