Restriksyon ng visa ng Amerika sa mga opisyal na Tsino, kinondena

2024-07-18 15:56:43  CMG
Share with:

Inihayag, Hulyo 17, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sinasadyang ikalat ng panig Amerikano ang mga pekeng impormasyon, dinungisan ang kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina, at nagmalabis sa visa restriction laban sa mga opisyal na Tsino.

 

Aniya, ang ganitong mga kilos ay malubhang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.

 


Inihayag ni Lin, na mariin itong tinututulan ng panig Tsino.

 

Nagharap na rin aniya ng solemnang representasyon ang Tsina sa usaping ito.

 

Bilang pagganti, isasagawa ng Tsina ang visa restriction sa mga Amerikanong opisyal na nagluto ng kasinungalingan sa isyu ng karapatang pantao, nagpasulong sa paglulunsad ng sangsyon laban sa Tsina, at nakapinsala sa kapakanan ng panig Tsino, alinsunod sa batas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio