Kaugnay ng pahayag kamakailan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) hinggil sa pagpapaalis ng tropang Amerikano ng mga pasilidad nito na ginamit sa Ensayong Balikatan mula sa Pilipinas, sinabi Biyernes, Hulyo 12, 2024 ni Tagapagsalita Zhang Xiaogang ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang mid-range missile system ng Amerika ay isang estratehikong sandatang pansalakay na nakapupukaw ng alaala ng Cold War, at hindi dapat ito i-deploy sa rehiyon.
Dapat igalang ng Amerika at Pilipinas ang kanilang mga salita, agarang alisin at huwag ng muling i-deploy ang mid-range missile sa rehiyon, dagdag niya.
Hinimok niya ang nasabing dalawang bansa na igalang ang komong hangarin ng mga mamamayan ng rehiyon para sa kapayapaan at kaunlaran, at gumawa ng higit pa para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil