Opisyal na binuksan, Huwebes, Hulyo 18, 2024, ng Paris Olympic Village ang pinto nito para salubingin ang mga atleta mula sa buong mundo na handang simulan ang kanilang paglalakabay sa Olimpiyada.
Sa araw ng pagbubukas, binisita ito ni Thomas Bach, Pangulo ng International Olympic Committee.
Tinatayang humigit-kumulang 10,500 atleta mula sa 206 na National Olympic Committees at Refugee Olympic Team ang makikipagtungalian sa paparating na Palarong Olimpiyada na magsisimula Hulyo 26 at karamihan sa mga atleta ay maninirahan sa Paris Olympic Village.
Bukod dito, maninirahan din ang mga atleta sa mga satellite village sa Châteauroux (shooting), Lille (basketball preliminaries at handball), Marseille (sailing), at Tahiti (surfing).