Pag-atras sa halalang pampanguluhan, inanunsyo ni Biden

2024-07-22 16:30:58  CMG
Share with:

Inanunsyo, Hulyo 21, 2024 ng kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden ang kanyang pag-atras sa halalang pampanguluhan ngayong taon, at ipinahayag ang suporta sa kandidatura ni Kamala Harris bilang kandidato sa pagkapangulo ng Partido Demokratiko.


Sa isang pahayag na inilathala sa social media, sinabi ni Biden na plano sana niyang muling tumakbo, ngunit alang-alang sa pinakamalaking interes ng Partido Demokratiko at ng bansa, ipinasiya niyang umatras sa halalan at magpokus sa pagtupad sa kanyang natitirang termino bilang pangulo.


Hinikayat din niya ang mga Demokratiko na magkaisa upang talunin ang kandidato sa pagkapangulo ng Partido Republikano na si Donald Trump.


Salin: Zheng Zihang

Pulido: Rhio