CGTN Poll: foreign aid bill ng Amerika, nagbunga ng kaligaligan sa daigdig

2024-04-26 19:02:18  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkalagda kamakailan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa isang 95 bilyong dolyares na foreign aid bill sa batas, ipinalalagay ng halos 90% respondyenteng pandaigdig na sa mula’t mula pa’y ang banyagang saklolo ng Amerika ay naglalayong kunin ang pinakamalaking kapakanan para sa Amerika, habang nagbulag-bulagan sa aktuwal na kapakanan at pangmalayuang pag-unlad ng mga bansang tumanggap ng saklolo, ayon sa isang global online survey na inilunsad ng China Global Television Network ng China Media Group (CMG-CGTN).

 


Sa palagay ng 89.34% respondyente, ang pagkakaloob ng Amerika ng saklolong militar sa mga nagsasagupaang panig sa maraming rehiyon ay ibayo pang nagpapasidhi ng tensyon ng kalagayang panrehiyon.

 


Samantala, ipinalalagay ng 93.15% respondyente na nitong nakalipas na mahabang panahon, pinalaki ng Amerika ang umano’y “ambag” nito bilang pinakamalaking aid donor sa daigdig, sa katunayan, hindi kailanma’y ipinatupad nito ang mga pandaigdigang responsibilidad na dapat isabalikat nito.

 

Ang nasabing sarbey ay inilabas ng CGTN sa mga plataporma ng wikang Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe, at Ruso.

 

Sa loob ng 24 oras, sumali rito at nagpahayag ng sariling kuru-kuro ang 9,534 netizen.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil