Ayon sa ulat Hulyo 18, 2024, ng International Olympic Committee (IOC), dumating na sa Pransya ang IOC Refugee Olympic Team, para lumahok sa 2024 Summer Games sa Paris.
37 atleta mula sa 15 bansa at rehiyon ang naging miyembro ng kasalukuyang Refugee Olympic Team, at magpapaligsahan sila sa mga laro ng 12 isports.
Ito ang ikatlong beses na lumitaw ang Refugee Olympic Team sa Summer Olympics. Ang unang koponang ito sa Rio Olympics ay may 10 atleta, at ang koponan naman sa Tokyo Olympics ay binuo ng 29 na atleta.