Pinatuyong isda sa Jiangsu, nagpapataas ng kita at nagpapasigla ng kanayunan

2024-07-22 14:27:14  CMG
Share with:

Abalang sinasamantala ng mga mangingisda sa bayang Longji, lunsod Suqian, lalagiwang Jiangsu, dakong silangan ng Tsina, ang maaraw na panahon para patuyuin ang mga isda.

 

Matatagpuan sa kanlurang pampang ng Lawang Hongze, ang bayang Longji ay napapaligiran ng tubig sa tatlong panig at isang tipikal na baybaying-bayan.

 

Nitong nakalipas na mga taon, puspusang pinapa-unlad ng bayang ito ang industriya ng akuwakultura; aktibong ginagabayan ang pag-a-atsara at pagpapatuyo ng isda, at paggawa ng mga produkto mula sa pinatuyong isda; at tinutugunan ang pangangailangan ng pamilihang domestiko’t dayuhan, tungo sa pagpapataas ng kita ng mga mangingisda at muling pagpapasigla ng kanayunan.

 


Salin: Kulas

Pulido: Rhio