"Handa na kami" - Presidente ng Komiteng Tagapag-organisa ng Paris Olympics

2024-07-22 16:27:18  CMG
Share with:

"Handa na kami!" Ito ang sinabi ni Tony Estanguet, Presidente ng Komiteng Tagapag-organisa ng Paris para sa 2024 Olimpiyada at Paralimpiyada sa isang preskon, Hulyo 21, 2024.

 

Limang araw na lang aniya ang natitira bago magbukas ang Paris Olympics, at lahat ng paghahanda ay nasa huling yugto na.

 

Handa na ang Paris na salubungin ang mundo, saad ni Estanguet.

 

Sa kasalukuyan, kalahati ng mga kalahok na bansa o rehiyon ay dumating na sa Paris, at mahigit 2,000 atleta ang nasa Olympic Village.

 

Mahigit 8.8 milyong tiket ang nabenta na, at mahigit 6,500 mamamahayag at mga kaugnay na tauhan ang dumating na rin sa Paris.

 

Ang Paris Olympics ay gaganapin mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11.


Salin: Qiu Siyi

Pulido: Rhio