Boto ng kumpiyansa ng Pederal na Kamara de Representantes, nakuha ng bagong punong ministro ng Nepal

2024-07-23 15:44:36  CMG
Share with:

Nakuha Hulyo 21, 2024 ni Khadga Prasad Sharma Oli, bagong Punong Ministro ng Nepal ang boto ng kompiyansa mula sa Pederal na Kamara de Representantes ng bansa.

Bago ang botohan, inanunsyo ni Oli ang pitong-puntong kasunduang naabot niya kasama ang Nepali Congress Party noong Hulyo 1.


Ayon dito, magsisilbing punong ministro ng koalisyon ng gobyerno si Oli sa loob ng darating na dalawang taon.

 

Pagkatapos ay maililipat ang posisyon sa tagapangulo ng Nepali Congress Party at dating punong ministrong si Sher Bahadur Deuba hanggang sa halalan sa 2027.


Salin: Zhong Yujia

Pulido: Rhio