Delegasyong Tsino sa Ika-33 Palarong Olimpiyada, dumating na sa Paris

2024-07-23 16:06:44  CMG
Share with:

Dumating Hulyo 22, 2024, sa Paris ang delegasyong Tsino sa Ika-33 Palarong Olimpiyada.

 

Ayon sa mga miyembro ng delegasyon, naging maayos ang lahat.

 

Kaugnay nito, ang mga koponan ng pingpong, badminton, volleyball na pambabae, at swimming at iba pa ay nauna nang dumating sa Paris para magsagawa ng mga pagsasanay.

 

Binubuo ng 405 atleta ang delegasyong Tsino para sa Olimpiyadang ito at lalahukan nila ang 30 pangunahing palaro, 42 sub-events, at 236 na maliliit na palaro.


Salin: Qiu Siyi

Pulido: Ramil