Wang Yi, dadalo sa serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng Kooperasyong Silangang Asyano

2024-07-23 16:55:00  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Hulyo 23, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Hulyo 25 hanggang 27, dadalo si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1), pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Timog Korea, Hapon at ASEAN (10+3), pulong ng mga ministrong panlabas ng East Asia Summit at pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN Regional Forum na idaraos sa Vientiane at magsasagawa ng opisiyal na pagdalaw sa Laos.

 

Ipinahayag ni Mao na umaasa ang panig Tsino na sa pamamagitan ng nabanggit na serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng Koperasyong Silangang Asyano, ibayo pang pagtitipunin ang komong palagay ng iba’t ibang panig at isasagawa ang paghahanda para sa serye ng mga pulong ng mga lider ng Kooperasyong Silangang Asyano.

 

Saad pa ni Mao na kasama ng iba’t ibang bansa ng rehiyong ito, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang panrehiyong katatagan, kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil