Xi Jinping, bumati kay Paul Kagame sa kanyang muling pagkahalal bilang Pangulo ng Rwanda

2024-07-23 16:57:46  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Hulyo 23, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe kay Paul Kagame bilang pagbati sa kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng Rwanda.

 

Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa at mabunga ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Aniya, nakahanda ang Tsina na ibayo pang palalimin, kasama ni Kagame, ang pagtitiwlaang pulitikal ng dalawang bansa at palawakin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil