Houthi sa Yemen, naglunsad ng misayl sa Israel

2024-07-22 16:34:22  CMG
Share with:

Sinabi, Hulyo 21, 2024 ni Yahya Sarea, Tagapagsalita ng Houthi sa Yemen, na inilunsad ng kanyang grupo sa araw na iyon ang mga misayl tungo sa Eilat, lunsod ng Israel sa baybayin ng Dagat Pula o Red Sea.


Aniya, hangga't hindi itinitigil ng Israel ang mga operasyong militar sa Gaza, hindi rin titigil ang Houthi sa pag-atake sa Dagat Pula, at iba pang karagatan.


Nauna rito, sinabi naman ng Israel Defense Forces na nasabat ng kanilang long-range air defense system ang isang ballistic missile na inilunsad ng Houthi mula sa Yemen.


Salin: Du Xuemeng

Pulido: Rhio