Tsina sa mga bansang may sandatang nuklear: Huwag muna gumamit ng sandatang nuklear sa isa’t isa

2024-07-24 16:03:32  CMG
Share with:

Sa debatehan ng ika-13 pulong ng United Nations (UN) sa pagsusuri sa Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT) na idinaos Hulyo 23, 2024 sa Geneva, Switzerland, ipinahayag ng kinatawang Tsino na upang mabawasan ang estratehikong panganib, iminungkahi ng panig Tsino sa limang bansang may sandatang nuklear na huwag muna gumamit ng sandatang nuklear sa isa’t isa.

 

Aniya, iniharap na ng panig Tsino ang panukala hinggil dito.

 

Hinimok ng panig Tsino ang Amerika na iurong ang mga sandatang nuklear na idineploy sa labas ng teritoryo, itakwil ang pagdedeploy ng global anti-missile system at itigil ang pagdedeploy ng land-based intermediate range missile sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Idiniin din ng kinatawang Tsino na palagiang iginigiit ng Tsina ang komprehensibong pagbawal at ganap na pagwasak ng mga sandatang nuklear.

 

Ipinangako aniya ng Tsina na hindi gagamitin ang sandatang nuklear sa anumang oras at okasyon, at hindi rin muna gagamitin ang mga ito sa mga bansa at rehiyong walang sandatang nuklear.


Salin: Ernest

Pulido: Ramila