Eksibisyon ng kulturang pampalakasan ng Tsina, binuksan sa Paris

2024-07-24 15:30:58  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng Chinese Olympic Committee (COC), binuksan Hulyo 23, 2024, tatlong araw bago ang pagbubukas ng Paris Olympics, ang "Dragon and Horse Elegance: Sports Spirit–National Sports Culture Exhibition ng Tsina."

 


Tatagal ang eksibisyon hanggang Agosto 13. Ito ang unang pagkakataon na itaguyod ng Chinese Olympic Committee ang eksibisyon ng kulturang pampalakasan sa labas ng bansa, at ito rin ang unang pagkakataon na itinanghal ang mga relikyang pampalakasan ng Tsina sa pandaigdigang entablado.

 


Itinatanghal sa naturang eksibisyon ang 139 na piraso ng mga katangi-tanging bagay mula sa museong pampalakasan ng Tsina, na may kasaysayan ang mga relikya mula pa noong Dinastiyang Shang.

 

Salin: Zhong Yujia


Pulido: Ramil