Bagong pangulo ng senado ng Thailand, nahalal

2024-07-24 16:42:52  CMG
Share with:

Sa kanilang unang pulong, Hulyo 23, 2024, nahalal si Mongkol Surasajja, bilang bagong pangulo ng senado ng ika-13 Thailand House, pagkatapos magdaos ang 200 miyembro ng halalan.

 

Ayon sa konstitusyon ng Thailand, ang pangulo ng senado ay magsisilbing pangalawang pangulo ng pambansang asembleya.

 

Sa pulong na ito, nahalal din ang dalawang deputy speaker ng senado at at silang tatlo ay kailangang aprubahan ng hari ng Thailand bago sila opisyal na maitalaga.

 

Salin: Qiu Siyi

 

Pulido: Ramil