Anim (6) na dayuhan ang natagpuang patay sa loob ng isang kilalang otel sa Bangkok, Thailand, Hulyo 16, 2024.
Sinabi ni Punong Ministro Srettha Thavisin ng Thailand, na sa 6 na nasawi, 4 ay Biyetnames at 2 ay Biyetnames-Amerikano.Wala aniyang bakas ng labanan o gulo sa lugar ng insidente.
Ayon naman sa pulisya ng Bangkok, ang 6 ay binubuo ng 3 lalaki at 3 babae. Anito pa, hindi posibleng nagpakamatay ang mga biktima, at kasalukuyang ini-imbestigahan ang eksaktong sanhi ng kanilang kamatayan.
Salin: Wang Lezheng
Pulido: Rhio