Mula Hulyo 21 hanggang 23, 2024, dumalaw sa Rusya si Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng Tsina para panguluhan kasama ng mga counterpart na Ruso ang Ika-11 pulong ng China-Russia Investment Cooperation Committee (CRICC) at Ika-21 pulong ng China-Russia Energy Cooperation Committee (CRECC), at daluhan ang Ika-6 na China-Russia Energy Business Forum (CREBF).
Sa mga pulong ng CRICC at CRECC, ipinahayag ni Ding na narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mahahalagang komong palagay.
Kasama ng panig Ruso, nakahanda aniya ang panig Tsino na ipatupad ang nasabing mga palagay para matamo ang komong pag-unlad at win-win na situwasyon.
Mataas namang tinasa ng panig Ruso ang pag-unlad ng bilateral na relasyon sa Tsina, at mga natamong bunga ng dalawang bansa.
Kasama ng Tsina, nakahanda anitong magsikap ang Rusya para pasulungin ang nasabing relasyon.
Nagkaisa rin ang dalawang panig na pabilisin ang pagsasakatuparan ng mga komong palagay.
Sa seremonya ng pagbubukas ng CREBF, binasa ni Ding ang mensaheng pambati ni Xi na nagpapahayag ng pag-asang maitatatag ng Tsina at Rusya ang mas mahigpit na partnership sa aspekto ng enerhiya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio